FAQs on the New Hiring Policy of HSWs
Dec 22, 2014
The Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sets out new rules in the recruitment and deployment of Household Service Workers (HSWs). The changes will affect foreign employers, recruitment agencies, and most of all the HSWs themselves.
The new policies became controversial and were even met with pessimism and protests by some. For all to understand the reasons behind these reforms, Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) and Department of Labor and Employment (DOLE) released this information:
Ano ang mga repormang ipinatutupad ng pamahalaan sa ating mga HSWs na magtatrabaho sa ibayong dagat?
Ø USD 400 - pinakamababang sahod
Ø 23 - edad ng mga bagong HSWs
Ø Pagkuha ng TESDA NC2 katibayan ng pagsasanay
Ø Pagkuha ng orientasyon sa wika at kultura
Ø Pagbabawal ng pagsingil ng placement fee sa mga HSWs
Bakit kailangan ang mga repormang ito?
Ø Para sa proteksyon at pangangalaga sa mga HSWs
Ø Para mapataas ang antas ng kaalaman
Ø Para itaas ang kanilang antas at dignidad bilang manggagawang Pilipino
Bakit kailangan ang sahod na USD 400?
Ø Ang HSWs ay nagtatrabaho ng mahigit sa 12 oras
Ø Ang HSWs ay nagsasagawa ng mahalagang papel sa pamilya ng kanyang pinaglilingkuran
Ano ang katotohanan tungkol sa reporma sa edad? Bakit ito kailangan?
Ø Sa edad na 23, ang mga babae ay may sapat na pang-unawa, kaalaman, at emotional maturity upang maiwasan o malabanan ang pangungulila, karahasan, at pangaabuso
Ano ang katotohanan sa pagkuha ng assessment at training?
Ø Ang tamang relasyon ng HSWs at employer ay maaring mangyari lamang kung alam at kaya ng HSWs ang mga tungkuling kanyang gagampanan tulad ng pagluluto, paglilinis ng bahay, at paggamit ng kasangkapang elektrikal
Sino ang kailangang kumuha ng assessment?
Ø Mga bagong HSWs
Ø Ang mga datihang HSWs na gustong kumuha nga TESDA Certificate bilang hakbang sa mataas na pagsasanay
Sino ang kinakailangang mapasailalim sa training?
Ø Ang mga hindi papasa ng tatlong ulit sa assessment na gagawin sa ilalim ng TESDA
Bakit kailangan ang orientasyon sa wika at kultura?
Ø Para magkaroon ng magandang relasyon sa employer
Ø Para magkaroon ng tamang kaalaman sa wika at kultura ng bansang kanyang pupuntahan
Sino ang kinakailangang kumuha ng orientasyon sa wika at kultura?
Ø Lahat ng bagong HSWs
Ø Mga dating HSWs na lilipat at maglilinkod sa panibagong bansa
Ø Ang mga HSWs na pupunta sa bansa na may hinihinging orientasyon sa kultura at wika at katibayan ng kasanayan (competency certificate) ay di na kailangang dumaan sa mga prosesong ito sa ilalim ng bagong reporma