Nagtatrabaho ka man sa Pilipinas kasama ang kapwa Pinoy o nagtatrabaho sa ibang bansa kasama ang mga foreigners, ang katrabahong hindi nagtatrabaho ng maayos ay hindi ginagawa ang trabahong inaasahan mula sa kanila, at kalanunan ay nakakaapekto sa karamihan. Ito ay ang mga katrabahong walang pakialam sa mga trabahong binigay sa kanila, at sa kalaunan ay umiiwas dito. Ang kanilang kakulangan ay nakakaapekto sa serye ng trabaho at inaasahan pang sasaluhin sila ng ibang katrabaho. Sa kalaunan, wala na lang magawa ang ibang katrabaho nila kundi mainis.
Ilan sa mga empleyado ay mas maraming ginagawa kaysa sa iba pero ang hindi pagtatrabaho ng maayos ay hindi maganda.
Kung biktima ka ng ganitong katrabaho, gaano katagal mo pa itong titiisin? Dapat ay solusyunan mo na ang ganitong problema para makapagtrabaho ka ng maayos.
Alamin kung bakitganito ang iyongkatrabaho.
Alamin mo muna kung ano ang ugat ng problema at saka pumili ng maaaring solusyon sa mga ito. Huwag agad-agad husgahan ang katrabaho, alamin ang kaniyang panig.
- Gaano ka naaapektuhan sa ginagawa niya?
Sukatin kung gaano ka naiirita sa kaniya, at maging klaro kung paano nito naaapektuhan ang iyong trabaho. Maaari kang lumayo sa tao kung maaari pero kung wala siyang ginagawa na nakakaapekto sa trabaho mo, huwag nang makisali pa.
- Mayroon ba siyang personal naproblema?
Ilagay mo ang iyong mga paa sa kaniyang sapatos at subukang unawain ang kaniyang kalagyan.
- Kulang ba ang kaniyangkaalamansatrabaho?
Matutulungan mo siya sa pamamagitan ng mga professional assistance at guidance, at sa pagtitiwalang kakayanin niya ang nakaatas sa kaniyang trabaho.
- Mayroon ba siyang hinanakit?
Maaari mong kausapin ang tao upang maunawaan ang kaniyang kawalan ng gana sa trabaho. Kapag naintindihan na sila, maaaring ganahan na ulit sila sa trabaho.
- Tamad lang ba talaga siya?
Ang ganitong rason ay hindi katanggap-tanggap at madalas na ipinapakita ng isang taong hindi kailangan ang trabahong ito. Ang ganitong klaseng problema ay dapat na pinag-uusapan at inuupuan sa maayos na paraan kasunod ng mga maaaring resulta ng kaniyang asal sa trabaho.
©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.
All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.
Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.