Ayos! Malapit ka nang lumipad para sa iyong trabaho abroad matapos ang ilang mga pagsubok! Kung may nagsabi sa iyo na magtrabaho ka ng maayos ay magiging maayos ang lahat, totoo iyon. Pero ang pagtatrabaho ng maayos ay kaakibat ng pakikisama sa mga katrabaho mo. Marapat lang na gawin ang dalawang ito upang maging matagumpay sa iyong trabaho.
Siguro alam mo na ang iyong magiging trabaho, pero dapat alam mo ang pasikot-sikot ng iyong ginagalawan para maging magaling sa trabaho. Marami kang kakaharaping mga problema na sangkot ang iyong mga katrabaho pero kung paano mo ito masosolusyunan ang magpapatakbo ng maganda sa iyong karera.
Para gumawa ng magandang impresyon sa iyong magiging trabaho abroad, maganda kung matututo kang makisama. Ito ang ilan sa mga tips para maisagad mo ang iyong abilidad:
1. Kilalanin ang mga katrabaho.
2. Magsimula sa iyong boss.
3. Ganahan sa iyong trabaho.
4. Mas makinig kaysa magsalita. Matutong makinig kahit may mga bagay kang alam na tungkol sa sinasabi nila. Kapag lumaon, maaari mo nang sabihin ang iyong kaalaman sa isang bagay nang may interes kung paano mas mapabuti ang trabaho.
5. Magtanong ng importanteng bagay.
6. Ilista ang iyong mga tagumpay.
7. Maging propesyunal.
8. Gumawa ng impact habang maaga.
9. Huwag gumawa ng network. Huwag mamili ng kakausapin sa iyong mga katrabaho. Kung maaari, maging patas sa lahat. Huwag iwasan ang isang katrabaho dahil sa mga kuwentong mahirap siyang pakisamahan. Huwag sumama sa mga network na ito.
10. Umiwas sa pulitika sa trabaho.
11. I-utilize ang iyong social media accounts.
12. Makisalamuha pagkatapos ng working hours.
13. Magpakita ng appreciation.
14. Maghanap ng mentor.
Ang kagandahan dito, tutulungan ka nitong maging mature para sa mas malaking pagsubok sa hinaharap ng iyong karera. Itama ang sarili sa proseo.
©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.
All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.
Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.