Sa pagsusulat ng iyong resume, mahalaga may panuntunan ng mga dapat at hindi dapat isama. Bibigyan namin kayo ng sampung (10) bagay na hindi mo dapat isama sa iyong resume kapag mag-aapply ng trabaho sa ibang bansa.
1. Mga karanasan sa trabaho na hindi akma sa posisyon o mga karanasang hindi totoo
Sa pag-a-apply ng trabaho sa ibang bansa, dapat ay binasa at inunawa mong mabuti ang paglalarawan ng trabaho para maalaman kung may sapat kang karansan para rito. Titignan ng mga employer kung may tama kang karansan bago ka iskedyul para sa posibleng panayam.
Kung ikaw ay nars at nag-a-apply ng bilang nars sa ibang bansa, marapat lamang na ilagay ang mga karanasan mo sa larangan ng healthcare. Ang pagsasama ng iyong karanasan bilang part-time cashier o office assistant ay hindi makakatulong sa iyong aplikasyon mong bilang nars.
Huwag maglagay ng mga hindi totoong impormasyon. Nagsasagawa ng background check ang mga kumpanya sa iyong dating mga employer bago ka alukin ng trabaho. Huwag magsinungaling.
2. Mga libangan
Hindi na kailangang malaman ng mga employer ang ginagawa mo sa iyong libreng oras. Ang tungkol sa mga sinalihan mong palakasan at mga laro mo sa kompyuter ay hindi ka matutulungan sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Mag-ingat sa paglalagay ng ganitong mga detalye sa iyong resume.
3. Unprofessional Email Address
Maaaring makatulong sa iyo ang iyong email address para makakuha ng trabaho. Gumamit ng email address na kasama ang iyong pangalan at initials na para bang puwedeng gawing sanggunian sa business correspondence. Hindi magugustuhan ng mga employer ang mga email address tulad ng funkygoose@gmail.com o devilish@hotmail.com o sexydiva08@live.com. Hindi na kami naghahanap pa ng mga email address na hindi seryoso. Hindi mo gugustuhing mahuli sa listahan dahil lang sa email address.
4. Hindi magagandang salita
Gumamit ng mga positibong salita para ilarawan ang sarili. Mas mainam na sabihin ang “Tinatapos ko ang trabaho mag-isa habang pinapanatili ang magandang relasyon sa aking officemates” kaysa “Agresibo ako sa ano, sa trabaho. Saka ano, ah, may puso ako sa ginagaw ako, hehe”.
Gumamit ng mga salitang madaling maintindihan at deretso.
5. Maling pagbaybay ng mga salita, maling gramatika
Hindi kaaya-aya ang mali sa gramatika sa iyong resume. Pinakita lang nito na tamad ka at hindi iniisip ang mga bagay-bagay. Maaari kang magpatulong sa isang kaibigan o kamag-anak para tignan at basahin ang iyong CV bago mo ito ipadala sa employer mo sa ibang bansa. Makakatulong sila sa paghahanap ng mga maling gramatika at pagbaybay ng mga salita.
6. Huwag ilagay ang “Reference Available Upon Request”
Ang iyong mga references ay hinihingi ng iyong employer kaya ihanda ang iyong mga contact references na maaari nilang mapagtanungan tungkol sa iyo.
7. Impormasyon ng sweldo
Hindi akmang ilagay ang inaasahang sahod sa iyong resume. Ang kasunduan tungkol rito ay isasagawa sa oras na mag-usap na kayo ng iyong employer. Kung mayroon kang recruiter, makabubuting ipaalam sa kaniya ang inaasahang sahod na matatanggap kaysa ilagay ito sa resume.
8. Malalaki at makukulay na fonts, mga litrato at magarbong porma ng resume
Hindi makakatulong sa kabuuang presentasyon ng iyong resume ang mga nabanggit sa itaas. Mas mainam na gamitin ang mga pangkaraniwang font style at margins.
9. Huwag gumamit ng mga malalawak na salita
Huwag gumamit ng mga malalawak na salita sa iyong resume dahil gagawa lamang ito ng pagkalito. Maging espesipiko, totoo, at malinaw sa pagsasabi sa iyong mga karanasan sa trabaho.
10. Personal na impormasyon
Iwanan ang mga personal na impormasyon tulad ng edad, kaarawan, civil status, mga litrato, kasarian, relihiyon, mga kakilala sa pulitika, SSS number, professional license number at passport information sa iyong recruiter. Ang mga ganitong impormasyon ay confidential ngunit hinihingi kapag mag-a-apply sa trabaho abroad.
Piliin ang mga tamang detalye, huwag maglagay ng sobra-sobrang impormasyon. Ang iyong resume ay magiging daan para sa iyong job interview. Tandaan na may isang pagkakataon ka para gumawa ng magandang impresyon, at isa ang magandang resume sa mga iyon.
©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.
All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.
Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.