Kung sa paghahanap pa lamang ng lokal na trabaho ay pahirapan na, ang humanap ng trabaho abroad ay tila ba nagiging imposible. Libo-libong Pilipino kada taon ang sumusubok na makahanap ng trabaho sa labas ng bansa subalit iilan lamang sa kanila ang nagtatagumpay. Hindi maikakaila na ang pagnanais na mangibang bansa ay nangangailangan ng tiyaga, oras, pagsisikap, at mga diskarte. Narito ang ilang praktikal na paraan upang makamit ang naising trabahong abroad:
1. Humanap ng referrals o mainam na magtanong.
Ang first-hand referrals o rekomendasyon ay subok nang maaasahan lalo't kung nagmumula sa mga personal na kakilala gaya ng mga kaibigan at kamag-anak. Kanilang inilalapit ang mga katiwala-tiwalang oportunidad at maaari ring makatulong upang makuha ang trabaho kung saan iyong kakailanganin na lamang ay isang lisensyadong 'recruitment agency' upang ganap na makuha ang trabaho. Maaari ring makapagbigay alalay ang personal referrals sa ibang aspekto ng pagtatrabaho abroad gaya ng pagsasaayos ng disposisyon base sa paligid o pag-aasikaso ng mga kinakailangang permits at dokumento. Magpasahanggang ngayon, nananatili ang konsepto ng bayanihan na makatutulong sa paghahanap ng trabaho.
2. Sumangguni sa accredited na ahensya
Habang nakatutulong ang pagkakaroon ng personal referrals, nagbibigay rin ng 'di matatawarang tulong sa pagpasok sa overseas jobs ang mga may kasanayan, umaalinsunod sa batas, maaasahan at lisensyadong recruitment agency. Liban sa pagbibigay oportunidad, nakatutulong din ang mga ahensya na mailagay ang aplikante sa angkop na trabaho base sa pangangailangan at abilidad nito. Gayunpaman, isa nga sa mga panganib ng paghahanap ng trabaho abroad ay ang posibilidad na maloko o ma-scam. Hindi na mabilang ang mga naghahanap ng trabaho na nabiktima ng mga ilegal na recruiter at iba pang mapanlinlang na pakana kung kaya't napakahalaga na masiguro na ang recruitment agency na lalapitan ay lehitimo at kinikilala ng POEA. Mayroong listahan ang POEA ng mga accredited na ahensya na makikita sa kanilang website at isa ang Ikon sa mga recruitment agency na laging maaasahan. Ang mga nabanggit ay marapat na matutuhan ng sinuman.
3. Tangkilikin ang mga serbisyong hatid ng POEA
Ang mga ahensya ng gobyerno gaya ng POEA ay tinalaga sa pangunahing kadahilanang matulungan at maalalayan ang mga manggagawa sa labas ng bansa at sa ganitong saysay ay pumapasok ang ideya na sayang naman ang buwis ng taumbayan kung hindi magagamit ang serbisyo. Bukod dito, ilan sa mga serbisyo ng POEA ay nagagamit na online na nagpapadali sa proseso ng aplikasyon gayong madali na lamang ang pag-access.
4. Lumahok sa "language classes" at iba pang kahalintulad na pagsasanay
Mayroong ilang center na nagbibigay ng kinakailangang pagsasanay sa mga manggagawa sa labas ng bansa at maging sa mga naghahanap pa lamang, na maaari ring magbigay koneksyon sa mga posibleng employer abroad. Ang pagkakaroon ng sertipikasyon gaya ng sa TEFL or TESOL ay mayroong malaking bahagi upang maitaas ang pagkakataong makuha sa trabaho. Ang paglahok sa mga nasabing ensayo ay nagpapataas ng ugnayan sa mga kahalintulad na naghahanap ng trabaho maging sa mga mayroon ng karanasan sa pangingibang bansa.
5. Magtrabaho sa internasyonal na organisasyon
Isa pang landas na maaaring tahakin ay ang pagtatrabaho sa internasyonal na organisasyon na mayroon sangay sa Pilipinas. Mapadadali at higit na maaaring pumabor ang sitwasyon kung ikaw ay parte na ng internasyonal na kumpanya sa sandaling magnais ng posisyon sa ibang bansa kumpara sa kabuuang pagsubok sa panibagong employer.
6. Lumahok sa internasyonal na bolunterismong programa o internship
Ang paglahok sa bolunterismo o pagiging intern sa mga internasyonal na programa ay isa pang kaparaanan upang unti-unting mapadali ang daan tungo sa naising trabaho abroad. Hindi mang ganap na makuha ang trabaho matapos ang programa, makatutulong naman ang karanasan upang makita o maunawaan ang proseso kung paano maghanapbuhay at mamuhay sa labas ng bansa na maaari ding maglapit sa iyo sa iba pang oportunidad.
Ano mang landas ang ninanais tahakin, ang pagbuo ng mapagkakatiwalaang samahan at ugnayan ay isa sa mga susi upang mahanap ang trabaho abroad. Ang mga ahensyang mapagkakatiwalaan gaya ng Ikon ay magbibigay sa iyo ng koneksyon at tutulong upang simulang kamtin ang naising propesyon sa labas ng bansa.
©2020 Ikon Solutions Asia, Inc.
All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.
Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.