Ang isang magandang resume ay naglalaman ng mga karanasan sa trabaho at kwalipikasyon na may dalawang pahina. Bigyang pansin ang:
1. Spelling. Siguraduhing tama ang spelling ng mga salita.
2. Grammar. Kumonsulta sa isa pang kakilala para tingnan kung tama ang grammar.
3. Format. Gumamit ng standard font na may maayos na punctuation at malinis na format.
Ang resume ay binubuo ng tatlong bahagi:
1. Pangalan at contact information. Ang iyong kumpletong pangalan ay dapat nasa itaas ng pahina at may kakapalan, o bold. Kasama dapat ng iyong contact information ang iyong tirahan, numero sa bahay at opisina, at email address. Gumamit ng propesyunal na email address na may initials ng iyong pangalan at apelyido. Iwasan ang mga email address tulad ng funkygoose@gmail.com o devilish@hotmail.com o sexydiva08@live.com. Makakaapekto ang iyong email address sa iyong employment.
2. Mga karanasan sa trabaho at ang mga nakamit na tagumpay
- May mababang o wala mang kasanayan sa trabaho. Tignang mabuti ang requirement sa job advertisement kung pinaplanong mag-apply ng trabaho. Kung may apat na taong requirement ang trabahong nais pasukan, tignan ang mga naging trabaho at training at suriin kung makakatulong ang mga ito para sa minamatang trabaho. Kung may nakaraang karanasan sa trabaho na hindi sapat at hindi kayang pagbigyan (tulad ng lisenysa sa nursing, engineering, at architecture), mabuting maghanap ng mga internship at entry-level na posisyon bago pasukin ang trabaho.
- Maiikling employment sa trabaho. May mga paraan upang solusyunan ito. Ito ang iilan:
o Ilagay ang dahilan kung bakit panadalian lamang ang naging employment sa trabaho kasama ang mga petsa nito para. Ang mga halimbawa ay: “company ceased operations”, “laid off due to economy, down-sized”, etc.
o Ang mga petsa ng bawat naging trabaho ay hindi na kinakailangan ng buwan—pakitaan sila ng mga trabahong nagtagal ka.
o Kung walang trabaho sa mga nakaraang buwan, maaaring ilagay ang ang mga volunteer works, project-based work, o ilagay na self-employed at ilarawan ang trabaho habang gumagamit ng mga salitang akma sa gusto mong apply-ang trabaho.
- Maglagay ng mga numero ng iyong achievements. Halimbawa, kung nakatanggap ng achievement dahil nataasan ang quotang Ph XX,XXX kada buwan;nakatanggap ng special award dahil nagkamit ng highest customer satisfaction rating.
3. Educational/ Professional Development
- Ang educational at professional training and development ay dapat nakaayos base sa petsa at nakalagay sa pinakaitaas ang pinakabago. Panatlihin itong maayos dahil sa maraming pagkakataon, gustong makita ng employer ang mga training programs na inilagay mo ay konektado sa trabahong gusto mong pasukan.
- Kung hindi nakatapos ng kolehiyo, ilagay ito ng matapat. Huwag magsisinungaling. Maaari mong ilagay ang taon na ginugol mo sa kolehiyo o certificate course na nagbigay sa iyo ng kaalaman upang makahanap ng trabaho mula sa oras na iyon hanggang sa iyong aplikasyon sa trabaho.
- Mga interes (Optional). Ilagay lamang ang iyong mga libangan kung makakatulong ito sa posisyon na gusto mong pasukan. Maaari mong ilagay ang pagvo-volunteer sa mga health missions kung nag-a-apply ka bilang nurse.
Kung ikaw naman ay isang engineer o architect, maaari mong ilagay na ang iyong mga libangan ay pagsubaybay sa mga bagong software-aided design technologies, pagpunta sa mga trade events at exhibits, pag-oorganisa ng mga event ng association at iba pa.
- Refrences (Optional). Ilagay lamang ang references kung hiningi sa iyo. Huwag ilagay ang ‘References: Available upon request’. Ipaalam sa mga references mo na ibinigay mo ang kanilang mga numero para sa job application mo.
Maraming trabaho sa panahon ngayon at dapat lamang na iakma ang iyong aplikasyon sa ina-apply-ang trabaho. Bigyang pansin ang deskripsyon ng trabaho at ang kompanya at industriyang gustong pasukin. Ang mga tips na ito ay matutulungan kang gumawa ng epeltibong resume na para sa iyo.
©2019 Ikon Solutions Asia, Inc.
All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.
Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.