Congratulations! Inimbitahan ka ng employer mo para sa isang interview! Isang hakbang ito papalapit sa trabahong inaasam. Dapat handa ka, kaya ito ang mga tips para sa parating mong interview:
1. Kilalanin ang kompanya. Para kanino ka magtatrabaho? Anong alam mo tungkol sa kompanyang ito? Alamin mo ang mga bagay na ito at mag-research ng mga detalye tungkol sa kompanya. Mas mainam kung alam mo ang pangalan ng interviewer at kung hindi sigurado, tumawag para alamin ito bago ang interview mo. Subukang iugnay ang iyong mga sagot sa mga nakalap mong impormasyon sa iyong interview. Iugnay din ang mga career accomplishments mo sa mga hinahanap ng kompanya. Huwag sumagot ng mga malalawak na salita tulad ng “masipag” at “matagumpay” nang hindi pinapaliwanag kung bakit at paano.
2. Maghanda. Puwede kang magpatulong sa sa isang kaibigan para sa isang mock interview bilang paghahanda sa aktwal na interview. Maaari mong i-record ang inyong pag-uusap at maaari mong obserbahan kung mabilis o malakas ang iyong boses sa pagsagot. Patapusin mong pagsalitain ang nagtatanong bago mo sagutin ang mga katanungan. Mag-practice ng mga isasagot sa mga tipikal na tanong sa mga job interviews (makikita sa mga susunod pang mga columns). Mag-isip ng mga praktikal na halimbawa sa paglalarawan ng iyong mga abilidad. Ang mga pagpapakita ng pruweba ng iyong mga achievements ay isang magandang paraan para i-promote ang sarili. Dapat ay interesado ka sa trabaho at kompanyang ina-applya-an upang maging mas mataas ang tiyansa ng employment.
3. Magtanong. Huwag matakot magtanong, hindi mo lang gustong magkaroon ng trabaho, bagkus, inaalam mo rin kung ang posisyon at kompanya ay sakto sa iyo. Ilang mga halimbawa ay:
· Paano po sinusukat ng kompanya ang tangumpay sa ganitong trabaho?
· Hinahayaan po ba ng kompanya na matuto ang mga empleyado sa ilalim ng isang programa?
· Paano niyo po ilalarawan ang ang isang taong akma sa posisyong ito?
4. Manatiling kalmado. Huwag ipakita ang kaba o hindi magandang impresyon sa pamamagitan ng body language sa iyong interview. Kumalma ka, huwag maging aligaga. Makipagkamay ng buong loob at tumitig sa mata ng interviewer bago ang mismong interview. Makinig ng mabuti bago sagutin ang mga tanong, at alalahanin itong mabuti.
5. Dumating ng mas maaga. Ang pagiging huli sa usapan ay gumagawa ng hindi magandang impresyon. Pinapakita lang nito ang iyong kawalang-bahala sa oras. Mag-time management, maglaan ng oras sa pagkain, biyahe, at pagaayos ng sarili bago ang interview. Alamin ang lokasyon ng interview para hindi maligaw. Mainam kung naghihintay ka na sa iyong interview sampung minuto bago ang schedule mo.
©2019 Ikon Solutions Asia, Inc.
All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.
Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.