Sa panahon ngayon ng online na pagsumite ng resume, may mga job boards, career pages sa websites, virtual job fair at mga mobile job hunting tool na ginagamit upang mas mapadali ang pagpasa ng aplikasyon sa trabaho. Sa ganitong kalagayan, naghahangad pa kaya ang mga kumpanya mula sa mga aplikante ng cover letter kalakip ng resume?
Ang maigsing sagot ay oo. Nananatiling kailangan ang cover letter na propesyonal ang pagkakagawa lalo na sa industriyang matindi ang kompetisyon. Ituring mo ang iyong cover bilang isang minutong patalastas ng iyong resume. Ito ang iyong unang pagtatangka na makuha ang atensyon ng recruiter upang kanilang naising suriin ang iyong resume. Ang liham ay marapat na isinulat na angkop base sa pangangailangan ng employer at hindi base sa iyong kagustuhan.
Madali bang nakikita ng employer ang magiging pakinabang ng pagtanggap sa iyo?
Narito ang ilang tips sa pagsulat ng cover letter:
•Petsa
Laging tandaan ang paglalagay ng petsa sa cover letter. Maraming aplikante ang nakalilimot sa paglalagay ng petsa sa ipinadadalang liham. Nagpapakita ito ng pagkaligta sa detalye.
•Address Line
Magsaliksik upang maipakita ang interes sa posisyon at kumpanya. Alamin ang address ng kumpanya at ang pangalan ng hiring manager at gamitin ito sa pagbati, i.e. Dear Mr. XXX, siguraduhing tama ang baybay sa pangalan ng "decision-maker" ng kumpanya. Sakaling nag-aaplay sa isang blind ad, maaaring isulat ang "To the Hiring Manager."
•Katawan ng Liham
Marapat na hindi lalagpas sa tatlo o apat na mga talata ang liham.
Unang talata
Ipaliwanag ang dahilan ng pagsulat at kung paano nabatid ang tungkol sa trabaho.
Ikalaw at Ikatlong Talata
Ipaliwanag kung bakit ikaw ang mainam na aplikante base sa kanilang kinakailangan subalit siguraduhing hindi sa paraang nagyayabang ang pagpapakilala ng sarili.
Higit na gamitin ang mga salitang "You", "Your Company" kaysa sa "I", "Me", "Myself." Magbibigay pahiwatig ito sa mambabasa na ang interes ay sa kanila at hindi lamang sa iyo.
Pangwakas
Magbanggit ng isang "friendly" at propesyonal na paraan nang pagnanais ng positibong tugon gaya ng "I am looking forward to meeting you next week and exploring how I can help ABC Co. achieve its business goals." Wakasan ang liham ng "Yours sincerely", o "Thank you for your time in reviewing my qualifications."
•I-proofread o muling suriin ang liham
Muling suriin at siguraduhing walang maling baybay at gramatika. Gumamit ng "word processing tools" gaya ng spell-check, capitalization, simple, at standard na font style.
©2019 Ikon Solutions Asia, Inc.
All rights reserved. No part of this article shall be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission from Ikon. No patent liability is assumed with respect to the use of the information contained herein. Although every precaution has been taken in the preparation of this article, the publisher and author assume no responsibility for errors or omissions. Neither is any liability assumed for damages resulting from the use of information contained herein.
Ikon specifically disclaims any responsibility for any liability, loss or risk, personal or otherwise, which is incurred as a consequence, directly or indirectly, of the use and application of any of the contents of this article.