Huwag Magpaloko, Maging Matalino!
May 25, 2015
Dahil sa kahirapan ng buhay, maraming Pilipino ang nagdedesisyong magtrabaho abroad para masuportahan ang pamilya at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.
Ngunit sadyang may mga tusong illegal recruiters at recruitment agencies na sinasamantala ang pangarap na ito ng Pinoy upang maging OFW. Nagagawa nilang lokohin ang kapwa nila Pilipino at pinapangakuan ng overseas jobs kapalit ng malaking halaga. Ito ang isa sa palaging paalala ng POEA, lalo na sa mga nurses at caregivers na nais magtrabaho sa Canada at Australia. Dapat na makipag-transact lamang sa mga POEA-licensed agencies upang hindi maging biktima ng illegal recruitment.
Noong isang taon ay nagpalabas ng babala ang POEA laban sa mga online job offer papuntang Canada at Australia.
Ang tanging paraan upang hindi mabiktima ng mga illegal recruiter ay maging matalino ang Pilipino. Alamin kung ang agency na inyong aapplyan ay good recruitment agency at lisensyado ng POEA bago makipag-transaksyon dito.
Basahin ang ilan pang paalala upang hindi mabiktima:
Obvious Signs that the Overseas Job Offer is A Scam