OFWGuide.com is a Filipino website for new OFWs and for Filipinos
who want to migrate, find an overseas job or work abroad.
Search
OFWguide:
OFW Advisory
Paano Makikilala ang Isang Illegal Recruiter?
Apr 7, 2014
Ang isang tao na nag-aalok ng trabaho sa labas ng bansa ay isang illegal recruiter kung may senyales ka na nakikita sa kanya tulad ng mga sumusunod:
-agad naniningil ng placement fee o anumang kaukulang bayad pero hindi nagbibigay ng Official Receipt.
-nangangako ng madaliang pag-alis patungong ibang bansa.
-nagre-require agad ng medical examination o training kahit na wala pang malinaw na employer o kontrata.
-nakikipag-transaksyon sa mga aplikante sa mga pampublikong lugar at hindi sa opisina ng lisensyadong ahensya.
-nagre-recruit sa bahay-bahay at mga pampublikong lugar.
-hindi nagbibigay ng sapat na impormasyon tungkol sa inapalayang trabaho.
-nagsasabi na may kausap na direct employer sa abroad at hindi na kailangang dumaan sa POEA.
-nangangako na mabilis na mapapaalis ang aplikante ngunit gamit ay tourist visa o visit visa.
-walang maipakitang employment contract o working visa.
-nagpapakilala na taga-agency ngunit hindi siya nakatala sa POEA.
-nagpapakilala na konektado sa isang travel agency o training center at nangangako ng trabaho sa ibang bansa.
-nanghihikayat sa mga aplikante na mangalap ng iba pang aplikante upang kunwari ay mapabilis ang pagpapaalis at mapunan ang pangangailangang dami ng trabaho.
-hindi nagbibigay o umiiwas na magbigay ng sapat na impormasyon tungkol sa kanyang sarili tulad ng buong pangalan, address, kung saang agency konektado at iba pang pagkakakilanlan sa kanya.
-nangangako na ang mga dokumento ng aplikante ay ipapasok sa POEA para mai-process at maikuha ng exit clearance, pero ang dokumentong ibibigay ay mga peke.
-nakapagpaalis ng isa o mahigit pang Pinoy na gamit lamang ay tourist visa o visit visa, at sa ganitong paraan ka niya hihikayatin para mabiktima.